-- Advertisements --

Harapang inusisa ni Sen. Panfilo “Ping” Lacson sa pagdinig ng Senate committee on justice si Bureau of Corrections (BuCor) legal chief na si Frederick Santos kung gumagamit na ito ng iligal na droga o hindi.

Pero agad itong itinanggi ni Santos.

Gayunman, sinabi ni Lacson na may hawak siyang ebidensya na dawit sa isang pot session ang abogado.

Nangyari umano ang “jamming” habang kasama ng abogado ang ilang Chinese drug lords.

Tinukoy pa nito ang lokasyon ng aktibidad sa Building 14 ng New Bilibid Prisons (NBP).

“There are reports you are jamming with drug lords inside Bldg 14. You are under oath. And I am telling you that,” wika ni Lacson.

Dismayado naman ang mambabatas dahil karamihan daw sa mga dumalong opisyal at tauhan ng BuCor ay pawang nagsisinungaling sa kanilang pagdinig.