Magtatayo ang Bureau of Correction ng isang detachment facility sa loob ng 20 hanggang 30 ektaryang bakanteng lote sa Masungi Georeserve para sa forest rangers sa Baras, Rizal.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. layunin nito na ma-secure ang hurisdiksyon ng kanilang kawanihan sa naturang lugar.
Aniya, kaalinsabay ng proper coordination ng kanilang kagawaran sa Department of Environment and Natural Resources ay magsasagawa ito ng delineation survey sa susunod na buwan.
Ngunit kasabay nito ay nilinaw naman ni Catapang na layon lamang nito na matukoy ang sukat at hangganan ng property ng BuCor na kinakailangang i-secure.
Samantala, bukod dito ay tiniyak naman ng opsiyal na hindi magtatayo ang kanilang ahensya ng piitan sa naturang lugar.
Magugunita na noong taong 2023 ay pinag-usapan ng BuCor at ng Masungi Georeserve Foundation ang protektadong lugar matapos na magpahayag ng kagustuhan ang kawanihan na magtayo ng bagong headquarters sa naturang lugar.