Makatatanggap ng aabot sa P1B pondo ang Bureau of Corrections ngayong taon para sa pagtatayo ng super-maximum prison facility na paglalagakan ng mga inmate na nahatulan ng karumal-dumal na krimen.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. ang naturang halaga ay higit pa sa P7.4 bilyong inilaang badyet ng kawanihan ngayong taon.
Ito aniya ay mas mataas ng 23 porsiyento sa P6.1 bilyong laang-gugulin noong nakaraang taon.
Paliwanag ni Catapang, ang karagdagang pondo ay ililipat sa kanilang ahensya mula sa Department of Public Works and Highways.
Kung maaalala, noong Oktubre ng nakaraang taon, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na isinasaalang-alang nila ang public-private partnership bilang pinakamabisang na paraan para pondohan ang pagtatayo ng isang super maximum prison facility upang mapaglagyan ng mga itinuturing na high-level offenders, tulad ng big-time drug lords.
Sinabi ni Remulla na ang paggamit ng bahagi ng Sablayan Prison at Penal Colony bilang isang site para sa supermax facility ay mainam dahil sa laki at lokasyon nito.
Ang Sablayan Prison at Penal Colon ay itinatag noong Setyembre 27, 1954 sa bisa ng Proclamation No.72 at ito ay may kabuuang lupain na 16, 190 ektarya.
Sa Estados unidos naman , ang supermax prison ay isang hiwalay na pasilidad na dinisenyo upang paglagyan ang parehong nabanngit na bilanggo .
Samantala, batay sa datos ng BuCor, aabot 27,538 heinous crime convicts na kinabibilangan ng murder, drug trafficking, human trafficking, rape mula sa mahigit 52,000 convicts ang nakapiit sa NBP at at anim na iba pang prison and penal colonies sa buong bansa.
Nariyan ang Davao Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan, San Ramon Prison at Penal Farm sa Zamboanga, Sablayan Prison at Penal Farm sa Occidental Mindoro, Leyte Regional Prison at Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.
Lahat ng mag nabanngit na kulungan at patuloy parin nakararanas congestion o sisiksikan dahil sa dami ng mga bilanggo na nakapiit.
Mula sa mga bilanggo na ito, 19,777 ang nasentensyahan ng reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong at 147, ang parusang kamatayan na na-convert sa habambuhay na termino kasunod ng pagpapawalang-bisa sa batas ng parusang kamatayan.
Samantala, inihayag din ni Catapang ang mga programang nais niyang ipatupad ngayong taon, kabilang ang pagsasapinal ng Table of Organization and Equipment, deployment ng K9 dogs sa lahat ng operating prison at penal farms sa labas ng Metro Manila, installation at enhancement ng CCTV system sa lahat ng operating prison. at mga penal farm, na maaaring masubaybayan sa pambansang punong-tanggapan at command and control center sa Director’s Quarter; at ang pagkuha ng earthmoving equipment para sa development projects ng ahensya tulad ng payloader, backhoe at demo trucks.
Sinabi ni Catapang na nais din niyang mapabilis ang pagpapatitulo ng lupa sa lahat ng mga ari-arian ng BuCor, na magagamit nito bilang legal na instrumento sa pakikitungo sa mga mamumuhunan at iba pang stakeholders.