-- Advertisements --

Mayroon daw basbas ang Bureau of Corrections (BuCor) sa isinagawang panayam ng isang network sa nakaditineng retired Army general na si Jovito Palparan.

Ayon sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), nasa New Bilibid Prison daw si Palparan sa buong duration ng panayam sa kanya at hindi ito umalis sa piitan.

Sinabi ng NTF-ELCAC, hindi na raw nakakapagtaka na agad nagpakalat ng negatibong reaksiyon ang mga communist supporters para madiskaril ang walang humpay na paglantad ng NTF-ELCAC sa panlilinlang ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).

Ang retired Army general ang siyang aktibo noon na lumaban sa insurgency sa bansa.

Pero nahuli si Palparan at nakulong dahil sa pagkawala ng mga estudyante ng University of the Philippines na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeno noong 2006.

Ang dalawa ay pinaghihinalaang mga supporters ng CPP-NPA.

Dahil naman sa kumalat na report, sinabi ng Department of Justice (DoJ) na magsasagawa sila ng imbestigasyon kung paano ininterview si Palparan.