-- Advertisements --

Matapos masabat ang P2.3 million na halaga ng shabu mula sa isang prison visitor nagsagawa ngayon an Bureau of Corrections (BuCor) ng inspection sa mga selda ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prison.

Ayon kay Colonel Jayferson Bon-As, Superintendent ng NBP-Maximum Security Compound, partikular na hinalughog ng mga otoridad ag mga gamit ng mga persons deprived of liberty (PDLs) maging ang kanilang mga kuwarto.

Sa isinagawang inspections, narekober din ang iba pang ipinagbabawal na gamit sa mga PDLs gaya ng mga cellphone, deadly weapons, routers at drug paraphernalia.

Dagdag ni Bon-As, ilan daw sa mga PDLs ay boluntaryo namang isinuko ang ilang banned items.

Pero aminado naman itong kahit araw-araw daw silang magsasagawa ng inspection ay posibleng mayroon pa rin silang matatagpuan na iligal na droga sa loob ng piitan.

Sakali raw na mayroon silang makumpiska sa mga PDLs ay posibleng matanggalan sila ng mga prebelihiyo.

Kung maalala, noong Linggo nang inanunsiyo ng Southern Police District na nakumpiskahan nng 350 grams na shabu ang suspek na si Raquel Zuniga sa BuCor Inmate Visitation Service Unit.

Nadiskubre ng BuCor personnel ang naturang droga sa isinagawang body search sa mga bisita sa maximum security compound frisking area.