Nagbukas ang Bureau of Corrections (BuCor) ng isang inter-agency office sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa city at iba pang piitan sa bansa para ma-detect ang pagpasok at madakip ang mga sangkot sa kalakalan ng iligal na droga sa loob ng mga piitan.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Catapang Jr. tututukan ng operation center ang intelligence gathering, monitoring at paggawa ng aksiyon para mapigilan ang drug-related activities sa loob ng NBP at iba pang piitan at penal farms.
Sinabi din ng BuCor chief na handa na sila para magtulungang maabot ang iisang hangarin na maresolba ang mga aktibidad na may kinalaman sa iligal na droga at maparalisa ang mga nasa likod nito mula sa pagkakasangkot sa trafficking ng illegal drugs.
Kaugnay nito, lumagda ang BOC ng isang memorandum of agreement kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), the Philippine National Police (PNP), the National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at National Bureau of Investigation (NBI) para sa pagtatatag ng operations center sa loob ng Bilibid.
Ang pagtutulungan ng mga ahensiya ng gobyerno ay alinsunod sa guidance ni Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na maiwaksi ang iligal na droga sa BuCor at tugon sa mga rekomendasyon ng Kongreso na matigil ang mga illegal drug activity sa ahensiya.