Aminado si Bureau of Correction (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. na nakakaranas ngayon ang ahensiya ng kakulangan ng mga doktor at iba pang mga personnel.
Ayon kay Catapang Jr, bagaman pinakamalaki ang pangangailangan sa mga doktor, malaki din aniya ang pangangailangan sa mga narse, pharmacist, guidance counselor, maging ang mga guro at mga pari.
Sa kasalukuyan aniya, ang isang doktor ng BuCor ay kailangang asikasuhin ang hanggang 5,371 inmates at tiyak umanong lalo lamang itong lalala dahil sa kakaretiro ng hanggang sa sampung doktor ng ahensiya.
Ang ideal ratio, ayon kay Catapang, ay isang doktor para sa 700 inmates.
Ayon pa sa dating military general, natatakot ang ilang mga applikante na mag-apply sa ahensiya dahil sa physica training.
Dahil dito, kinakailangan na rin aniyang mag-adjust ang BuCor para sa ilang mga applikante na may highly-technical qualifications kung saan pinapapababa na lamang nila ng 45 days ang kasalukuyang regular training na anim na buwan.
Nililimitahan aniya nila ang mga ito sa executive training course na may limitadong physical activities.
Sa kasalukuyan, pinamamahalaan ng BuCor ang Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City, Davao Prison and Penal Farm, Iwahig Prison and Penal Farm sa Palawan, Sablayan Prison and Penal Farm sa Mindoro Occidental, San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga City, at Leyte Sub-Regional Prison sa Abuyog, Southern Leyte.
Sa kasalukuyan, nangangailangan ang naturang opisina ng mga medical doctors, dentists and dentist assistants, radio technolo-gists, pharmacists, laboratory technicians, medical technologists, nutritionists- dietitians, nurses, psy-chiatrists, psychologists, psychometricians, sociologists, social workers, at marami pang ibang professionals, embalmers.