Naglabas ng abiso ang Bureau of Corrections (BuCor) sa publiko hinggil sa pagbili ng mga ibinibentang lupa sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City na nirereserba para sa pansamantalang housing project ng mga aktibong pesonnel at anim pa na prison facilities sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sa isang statement sinabi ng BuCor na ang pagbebenta at pagbili ng lupa sa loob ng NBP at sa iba pang pasilidad nito ay ipinagbabawal at iligal.
Kaugnay nito, nagisyu na ng warning ang ahensiya matapos na makatanggap ang BuCor Business Center (BBC) ng reports na may ilang miyembro ng BuCor, BUCOROA (Bureau of Corrections Correctional Officers Association) at Biazon Road Homeowners Association ang umano’y nagbebenta ng bahagi ng government-owned land property at nangongolekta ng pera para sa proposed Housing programs para sa pagproseso ng fees mula sa miyembro ng BUCOROA na labag sa Republic Act 10575 (Bureau of Corrections Act of 2013).
Ang NBP ay mayroong inisyal na 551 ektarya ng lupa subalit ang 104 hectares ay nailipat na sa housing project ng Department of Justice.
Paglilinaw ni Deputy Director General Gabriel P. Chaclag na ang mga pagamay-aring lupa ng BUCor na ang kanilang existing housing program ay para sa kanilang aktibong empleyado at hindi ibinibenta sa publiko.
Ayon kay BuCor Director General Gerald Q. Bantag, na nagisyu na aniya ng cease and desist order laban sa isa sa mga corrections officers para mahinto ang pagbebenta ng lupa sa proposed housing Programs.