Lumitaw sa pagdinig ng Senado na lumabag sa Republic Act 10592 ang opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) sa paglagda sa pagpapalaya sa tatlong nahatulang gumahasa at pumatay sa magkapatid na Jacquieline at Marijoy Chiong.
Sa naturang pagdinig, naglabas ng presentation si Sen. Panfilo Lacson kung saan ipinakita ng ibat-ibang posibleng lagda ni BuCor Director General Nicanor Faeldon kung saan kinumpirma dito ang ilan ni Faeldon at ang iba naman ay kinumpirma ni Correction Technical Chief Supt Maria Fe Marquez.
Ipinakita kasi ni Lacson sa pagdinig ang released order ng tatlong suspect sa Chiong rape slay case na kalaunan ay inamin ni Supt. Marquez na siya ang may lagda.
Dahil dito iginiit ni Lacson sa pagdinig sa Senado na may nilabag sa batas si Marquez kung saan nakasaad sa RA 10592 na tanging ang Bucor Chief lamang ang maaring lumagda sa mga released order at walang kapangyarihan si Marquez par gawin ito.
Sa pagtatanong ni Senate President Vicente Tito Sotto III kinuwestiyon niya si Justice Secretary Menardo Guevarra kung may paglabag ba si Marquez sa paglagda sa realease order.
Inamin ni Guevarra sa pagdinig na tanging ang may kapangyarihan na lumagda sa release order ay ang Bucor chief kasabay ng pagtangging nakarating sa kanyang tanggapan ang papeles na may kinalaman sa pagpapalaya sa mga pumatay sa magkapatid na Chiong.