-- Advertisements --

Patuloy ang isinasagawang decongestion efforts ng Bureau of Correction sa lahat ng mga piitan sa bansa.

Kaugnay nito, aabot sa 525 na panibagong batch ng mga persons deprived of liberty ang pinalaya nito para sa buwan ng Enero.

Batay sa datos ng BuCor, sa kabuuan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., pumalo na sa 18,947 PDLs ang napalaya nito.

Sa isang pahayag ay sinabi ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na napalaya ang naturang bilang ng inmate dahil sa acquittals , bail bond, expiration ng sentensya ,probation, Habeas Corpus,at parole.

Ang mga pinalayang inmate ay nagmula sa Correctional Institution for Women , Iwahig Prison and Penal Farm, CIW Mindanao, Davao Prison and Penal Farm, Leyte Regional Prison, Maximum, medium, at minimum Security Camp ng New Bilibid Prison , Reception and Diagnostic Center ng NBP, Sablayan Prison and Penal Farm, at San Ramon Prison and Penal Farm.

Tiniyak ng BuCor na kanilang susuriing mabuti ang mga record ng PDL upang matukoy kung sino ang karapatdapat na mapalaya.