Hindi bababa sa 46 na persons deprived of liberty ang pinalaya mula sa Bureau of Corrections mula noong simula ng Ramadan noong Marso 10.
Kinumpirma ito ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Pio P. Catapang sa isang pahayag.
Ginawa ni Catapang ang kumpirmasyon kasabay ng naging pagbisita ni Presidential Adviser on Muslim Affairs, Almarin Centi Tilla.
Layon ng pagbisita ni Tilla na bisitahin ang kalagayan ng mga mga Muslim PDL sa iba’t ibang operating prisons at penal farms ng kawanihan.
Batay sa datos ng BuCor, may humigit-kumulang 3,014 na Muslim PDL sa iba’t ibang piitan sa bansa noong Pebrero 29, 2024, na 5.69 porsyento mula sa 52,950 kabuuang bilang ng mga PDL sa ilalim ng pangangasiwa ng BuCor.
Mula sa 3,014 Muslim PDLs, 1,121 nito ay nakakulong sa New Bilibid Prison, 752 – Davao Prison and Penal Farm, 698 – San Ramon Prison and Penal Farm, 202 – Correctional Institution for Women, 144 – Iwahig Prison and Penal Farm, 81 – Sablayan Prison and Penal Farm at 16 – Leyte Regional Prison.
Ang 46 na Muslim na PDL ay pinalaya batay sa mga sumusunod:
* 20 expiration of sentence
* 12 acquitted
* 5 RA 10592/ Turn over
* 5 Probation
* 4 Granted Parole
May kabuuang 754 Muslim PDLs na inilabas mula noong administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.