-- Advertisements --

Sinuspinde ng Bureau of Corrections ang apat na New Bilibid Prison personnels habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa naging stabbing incident sa loob ng naturang piitan noong Enero 2.

Nagresulta kasi sa pagkamatay ng isang person deprived of liberty (PDL’s) at dalawang sugatan ang naturang insidente.

Kinilala ang namatay na si Ricardo Peralta at kinilala naman ang dalawang sugatan na sina Reginal Lacuerta at Bert Cupada.

Ayon sa pahayag ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., suspindido ang apat na personnels habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng kanilang pamunuan sa

Kinilala ang mga nasuspinde na sina Shift Commander/Acting Commander of the Guards C/INSP Louie Rodelas, Correction Officer 1 Christian Alonzo, Building 8 Keeper, Correction Officer 1 Joshua Mondres, Building 8 Keeper, at si Correction Officer 1 Glicerio Cinco Jr., Gate 1A Officer.

Samantala, dagdag pa ni Catapang ito lamang ay isang pruweba na talagang mayroong mga ilang pagkukulang sa kanilang mga operasyon at marapat lamang na maparusahan ang mga tao sa likod ng mga pagkukulang na mga ito.

Humiling naman si Catapang na makipagtulungan din ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP) na magsagawa ng isang parallel investigation sa naturang insidente.