-- Advertisements --
Sisimulan na ng Bureau of Correction ang College Education Behind Bars para sa Persons Deprived of Liberty susunod na buwan.
Ang naturang hakbang ay para sa mga inmate na nais mag-aral sa kolehiyo kahit na nasa loob ng piitan.
Ang naturang pasilidad ay matatagpuan sa loob ng Davao Prison and Penal Farm sa Lungsod ng Panabo, Davao del Norte.
Sinabi ni Bureau of Corrections Director General Gregorio Catapang Jr., nagsimula ang pagtatayo ng naturang gusali noong 2019.
Ito ay pinondohan ng Dangerous Drugs Board (DDB), Commission on Higher Education (CHED), at iba pang mga katuwang na private stakeholder ng kawanihan.
Aniya, ito ay isang magandang alok para sa mga PDL na ituloy ang kanilang pag-aaral kahit sila ay nasa loob ng kulungan.