-- Advertisements --

Lubos na sinusuportahan ni Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. ang panukalang batas na mag-uutos sa lahat ng pasilidad ng bilangguan na magkaloob ng mga programang pangkabuhayan sa agrikultura para sa mga person deprived of liberty.

Sinabi ni Catapang na masisiguro ng iminungkahing batas ang seguridad at pagpapanatili ng pagkain hindi lamang para sa mga bilanggo kundi pati na rin sa mga nakatira malapit sa operating prison at penal farms sa buong bansa.

Matatandsaang si Benguet Rep. Eric Go Yap at Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte ay naghain ng House Bill No. 3541 na mag-aatas sa lahat ng penal institurion na magkaroon ng mga lugar na angkop para sa agrikultura upang magpatupad ng mga programang pangkabuhayan sa agrikultura para sa mga bilanggo.

Sa isang pahayag, binanggit ng BuCor na sinabi ng dalawang mambabatas sa kanilang explanatory note na ang food security ay dapat ibigay hindi lamang sa mga taong malaya kundi maging sa mga nasa penitentiary institutions na may karapatan din sa maayos na sustento ngunit dahil sa limitasyon ng budget at ang dumaraming bilang ng mga bilanggo, ang mga penal institution ay patuloy na nakikipaglaban sa pagbibigay ng pagkain para sa lahat ng mga bilanggo.

Sa ilalim ng panukalang batas na ito ang mga napiling bilanggo ay dapat magtrabaho sa boluntaryong batayan lamang at babayaran ang pinakamababang antas ng sahod na umiiral sa lugar kung saan matatagpuan ang penal institution.

Ang compensation ay babayaran mula sa Prison Agriculture Revolving Fund na itatatag sa bawat penal institution na nagpapatupad ng programang pang-agrikultura.