Tiniyak ng Bureau of Corrections (BuCor) na ang pagpapabuti ng kapakanan ng mga persons deprived of liberty (PDLs) ang magiging pangunahing prayoridad nito.
Sinabi ni Director General Gregorio Pio P. Catapang Jr. na sa ilalim ng ‘Bagong Bucor sa Bagong Pilipinas’ walang maiiwan kaugnay ng modernisasyon sa kawanihan.
Ang pagtiyak ni Catapang ay ginawa bilang tugon sa mga panawagan ng Kamara na huwag kalimutan ang kapakanan ng mga PDL sa gitna ng pakikipagtulungan ng BuCor sa pribadong sektor para kumita.
Itinuro niya na ang joint ventures ay magbibigay sa mga bilanggo o inmates ng paraan upang kumita habang nasa likod ng mga selda at maging bahagi ng kanilang reporma bilang paghahanda sa kanilang pagpapalaya at muling pagsasama sa lipunan.
Ipinunto niya na ang RA 10575 ay nagbibigay-daan sa bureau na magbalangkas at magpatupad ng mga plano at patakaran sa pagpapaunlad ng paggamit ng lupa bilang isang paraan upang mapakinabangan ang halaga ng mga ari-arian para sa epektibo at malawak na mga programa sa repormasyon para sa mga bilanggo.
Tiniyak ng Bureau of Corrections (BuCor) na ang pagpapabuti ng kapakanan ng mga persons deprived of liberty (PDLs) ang magiging isa sa kanilang pagtutuunan ng pansin.