Tuloy-tuloy pa rin ang Bureau of Corrections sa isinagawang paghahanda para sa pagsasara ng New Bilibid Prison sa Lungsod ng Muntinlupa.
Kaugnay nito ay wala ring humpay ang paglilipat nito ng mga PDLs mula NBP patungo sa ibat-ibang piitan sa bansa.
Aabot rin sa karagdagang 100 na mga persons deprived of liberty ang nailipat ng ahensya mula sa national penitentiary patungo sa Sablayan Prison and Penal Farm sa Occidental Mindoro.
Ito ay bahagi rin ng decongenstion program ng gobyerno sa nasabing kulungan.
Ayon kay BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr., aabot na ngayon sa kabuuang 7,579 na mga inmate ang nailipat ng ahensya mula sa national penitentiary patungo sa mga ibat ibang prison and penal farm sa bansa.
Tiniyak naman ni Catapang ang kaligatasan ng mga bilanggo na inililipat ng kanilang ahensya.
Target ng ahensya na magtapos ang paglilipat ng mga inmate hanggang 2028 bago matapos ang panunungkulan ni PBBM.