Aprubado na ng House Committee on Appropriations ang budget calendar para sa deliberasyon ng panukalang 2024 national budget.
Ayon kay Appropriations Committee Chairmanat Ako Bicol Party List Representative Elizaldy Co, layon ng well- structured budget calendar ay para i-streamline ang deliberation process, pagsasaalang-alang ng iminungkahing badyet upang matugunan kaagad ang mga pangangailangan ng bansa.
Bukod sa budget calendar, tinalakay din ng komite ang mga tuntunin at pamamaraan na namamahala sa pagsasagawa ng mga budget briefing o pagdinig.
Sinabi ni Co, na ang mga patakarang ito ay idinisenyo upang pahusayin ang transparency, hikayatin ang aktibong pakikilahok mula sa mga stakeholder, at pagyamanin ang mahigpit na pagsusuri sa mga alokasyon at paggasta sa badyet.
Kumpiyansa naman si Co sa kadalubhasaan at dedikasyon ng mga committee members na makikibahagi sa budget deliberations.
Samantala, hinihimok naman ni Rep. Co ang mabilis na pag-apruba sa P5.768 Trilyon 2024 Proposed Budget.
Sinabi ng mambabatas na malaki ang impact ng 2024 budget sa buhay ng bawat Pilipino.
Siniguro naman ni Co, na dadaan sa masusing pagsisiyasat ang fiscal year 2024 budget proposal.