Suportado at kaisa si Budget Secretary Amenah Pangandaman sa mga economic managers sa panawagan na i-ban ang Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs) sa bansa.
Sinabi ni Pangandaman na hindi kailangan ng Pilipinas ang nasabing sektor.
Si Pangandaman ang pinaka bagong Cabinet member na nagpahayag na hindi ito sang-ayon sa operasyon offshore gambling companies sa bansa.
Una ng nagpahayag na hindi nila suportado ang operasyon ng POGO sina Finance Secretary Ralph Rector at Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan.
“For the record, I don’t think we need them.We gave our recommendation already, a joint ecommendation from the economic managers and I hope that they will consider,” pahayag ni Pangandaman.
Binigyang-diin ni Pangandaman na maliit na halaga lamang ang nakukuhang kita mula sa POGO na nasa P40 hanggang P50 billion.
Bukod sa mga economic managers, ilang mga mambabatas ay suportado din ang panawagan na i-ban ang POGO sa bansa.
Sa panig naman ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na pinsan ni Pangulong Marcos sinabing nais niya ang mas mahigpit na law enforcement imbes ang pagpapatupad ng total ban sa mga offshore gaming companies.