Aminado si AFP Chief of Staff Gen.Gilbert Gapay na dahil sa kakulangan sa budget, procurement process at ang nararanasang Covid-19 pandemic ang dahilan sa pag-antala sa implementasyon ng AFP modernization program.
Ayon kay Gapay naiintindihan naman nila ang sitwasyon kaya kung anong mga resources at capabilities na meron sila ngayon ay kanilang ginagamit.
Siniguro naman ni Gapay na hindi naaapektuhan ang trabaho at performance ng mga sundalo kahit delay ang implementasyon ng kanilang modernization program.
Aniya, halos lahat na naka program sa horizon 1 ay kanila ng na procure at hinihintay na lamang ang deliveries para makumpleto na ang 20 proyekto, sa horizon 2 nasa 94 projects ang naka linya dalawang proyekto lamang ang nakumpleto habang ang iba ay nasa procurement stage pa.
Sinabi ni Gapay, nasa P480-B budget ang kakailanganin ng AFP para bumili ng mga kagamitan para sa susunod na 18 taon.
Ayon kay Gapay, nabawasan ang kanilang budget ngayong taon ng P17 billion dahil ginamit ito ng gobyerno para sa Covid-19 related activities.
Hirit din ng AFP chief sa mga mambabatas na ipasa na ang isinusulong nilang Defense Procurement Law na siyang tututok para sa modernization program ng AFP.
Ayon sa chief of staff sa kasalukuyang set up kasi sa ilalim ng RA 9184 ang Government Procurement Act ay dadaan sa napakaraming proseso una rito ang paglathala nila ng kanilang mga bibilhing mga kagamitan na sana ay top secret at confidetial ang mga specification na kanilang pinili.
x