-- Advertisements --
Nagtala ng mas malaking budget deficit ang gobyerno noong buwan ng Nobyembre.
Ayon sa Bureau of Treasury , na umabot sa P213 bilyon ang kabuuang budget deficit noong Nobyembre.
Ang nasabing halaga ay mahigit doble noong nakaraang taon sa parehas na buwan na aabot sa P93.3-B.
Bumaba naman ang total revenue collection ng bansa noong Nobyembre ng 0.6 percent na mula sa P340.4-B noong nakaraang taon ay mayroong P338.3-B naman ngayong taon.
Tumaas naman ng 27 percent ang government spending na aabot sa P551.3-B noong Nobyembre kumpara sa P433.6-B noong nakaraang taon.
Depensa ng gobyerno kaya tumaas ang spending ay dahil sa maraming mga infrastructure projects, social protection at education-related programs.