Ngayon pa lang ay pinaghahanda na ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga pinuno ng bawat ahensiya ng gobyerno ng kani- kanilang budget proposal draft para sa susunod na taon, na ihahain naman sa Kongreso.
Ang kautusan ay ginawa sa pamamagitan ng pag- iisyu ng National Budget Memorandum No. 145 na tinawag na National Budget Call.
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang 2024 budget proposal ay iaankla sa policies and directions ng Marcos Jr. Administration kabilang na ang target nitong infrastructure development, digital and social infrastructure.
Layunin din ng National Budget Call na ma- incorporate ang provision of funds para sa
capacity-building programs ng mga lokal na pamahalaan.
Saklaw ng National Budget Memorandum No. 145 Ang lahat ng department heads, agencies, bureaus, offices, commissions, state universities and colleges at iba pang sangay ng national government.