-- Advertisements --

Hindi apektado ang budget hearing ng Senado sa nagpapatuloy na imbestigasyon ng mataas na kapulungan sa dalawang puganteng si Alice Guo at Apollo Quiboloy, ayon kay Senate President Francis “Chiz” Escudero. 

Ayon kay Escudero, ang nakaapekto sa pagbusisi ng 2025 proposed budget ng mga ahensya ng gobyerno ay ang naranasang pagbaha at ilang araw na suspensyon ng trabaho dahil sa bagyong Enteng. 

May sapat na committee rooms aniya ang Senado upang magsagawa ang bawat komite ng pagdinig. 

Giit ng liderato ng Senado, wala pang budget hearing na nasuspinde dahil lamang sa imbestigasyon patungkol kay Guo at Quiboloy. 

Gayunpaman, sinabi ni Escudero, sa oras na talakayin na sa plenaryo ang panukalang pondo, hindi maaaring magkasa ang iba’t ibang komite ng pagdinig. Aniya, nasa ito rules ng Senado.