Tumaas sa walong porsiyento ang budget ng Office of the Vice President (OVP) para sa susunod na taon.
Subalit zero budget para sa confidential and intelligence fund, dahil wala namang hiniling ang Office of the Vice President.
Ito ang inihayag ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.
Ayon kay Pangandaman para sa 2025 national budget ang Office of the Vice President ay mayruong budget na P2.037 billion mataas ito kumpara nuong 2024 national budget.
Sa 2025 budget ng OVP P188 million dito ay para sa personal services, P1.7 billion sa maintenance and other operating expenses, at P56 million ang capital outlay.
Samantala, tinapyasan din ang kabuuang nakalaan para sa Confidential and Intelligence Funds sa 2025 na nasa P10.29 billionkumpara nuong 2024 GAA na nasa P12.38 billion.
Nasa 15 na ahensya ang makakatanggap ng CIF sa panukalang budget kung saan pinakamataas dito ang Office of the President na nasa P4.56 billion.
Sinundan naman ito ng Department of National Defense na may P1.70 billion, National Intelligence Coordinating Agency (NICA) na may P991 million at Philippine National Police na may P806 million.