-- Advertisements --
image 506

Inanunsyo ng  Department of Budget and Management na makatatangap ang National Health Insurance Program o Philhealth ng P101.51B na budget para sa susunod na taon. 

Sa isang pahayag, sinabi ni DBM Sec. Amenah Pangandaman na ang naturang panukalang budget ay mas mataas ng P1.28B mula sa nakaraang budget nito upang ma accomodate ang pinalawak na bilang ng mga beneficiaries at para doblehin ang taunang premium rate  para sa mga taong may kapansanan mula P2,400 hanggang P5,000.

Sa ilalim ng Universal Health Care Law, ang PhilHealth ay dapat magkaloob ng health insurance coverage at tiyakin ang abot-kaya, katanggap-tanggap, available, at accessible na mga serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan para sa lahat ng Pilipino.

Punto pa ni Pangandaman, ang proposed budget na ito ng Philhealth ay patuloy na magpapalakas  sa mga primary healthcare facilities ng bansa, kabilang na ang  medical assistance na nagkakahalaga ng P22.26 billion para sa mahigit 1.31 million na mga mahihirap at walang kakayahang pinansyal na mga pilipino.

Ang proposed budget na ito ng  Philhelath ay inaashanag pakikinabangan ng 12.75 milyong mahihirap na miyembro na tinukoy ng National Household Targeting System sa ilalim ng Department of Social Welfare and Development: 8.26 milyong senior citizens; 15,000 financially handicapped point-of-service patients;  136,000 unemployed persons with disabilities at  25,512 indibidwal na tinukoy sa Payapa at Masaganang Pamayanan Peace and Development Program.