Nahaharap ngayon ang University of the Philippines sa budget cut ng hanggang tatlong bilyong piso para sa susunod na taon.
Batay sa 2024 National Expenditure Program na isinumite ng Department of Budget ang Management, kabuuang P21.291 billion ang proposed budget ng UP para sa susunod na taon.
Mas mababa ito ng halos P3billion kumpara sa kasalukuyang budget nito na P24.263 billion.
Samantala, ang budget cut ng UP ay pangunahing naitala sa capital outlays nito. Sa kasalukuyan kasi ay mayroong P1.71billion na pondo ang UP habang sa susunnod na taon ay aabot lamang sa P52million ang panukalang pondo para rito.
Ang pondo para sa capital outlay ay pangunahing ginagamit para sa konstruksyon ng mga bagong pasilidad at pagbili ng mga bagong kagamitan.
Aabot naman sa P6.49 billion ang panukala para sa MOOE(maintenance and other operating expenses) ng UP para sa susunod na taon.
Maging ang nasabing pondo ay bumaba rin mula sa kasalukuyang P8.114 billion.
Kabuuang P16.04 billion naman ang panukala para sa personnel services ng UP. Ito ay bahagyang tumaas mula sa kasalukuyang P15.68 billion.