-- Advertisements --

Ihihirit umano ng National Task Force against COVID-19 sa Kongreso na gawin ng P150 billion ang budget allocation ng COVID-19 vaccines sa proposed 2021 national budget.

Sinabi ni NTF chief implementer Carlito Galvez Jr na siya ring vaccine czar, nakikipag-ugnayan na sila sa Kongreso para maisama na ang kakailanganin sa logistics at storage ng mga bibilhing bakuna.

Ayon kay Sec. Galvez, ang P2.5 billion ay initial allocation lamang para sa pagpapabakuna sa mga essential workers na kinabibilangan ng mga health workers, sundalo at pulis.

Maliban dito, mayroon din umanong inaasahan silang P40 billion hanggang P50 billion na loan mula sa Asian Development Bank (ADB) at World Bank (WB).