-- Advertisements --
Lumubo pa ang budget surplus ng bansa noong buwan ng Abril.
Ayon sa Bureau of Treasury na ito na ang pangalawang magkasunod na buwan na mayroong paglobo ng aabot sa P66.8 bilyon o 13.5 na beses sa surplus na naitala noong nakaraang taon sa parehas na buwan.
Ang nasaibng surplus noong nakaraang buwan ay nakatulong para hilain ang deficit sa unang apat na buwan ng taon na mayroon na lamang na P204.1 bilyon mula sa dating P311.9 bilyon sa parehas na buwan noong nakaraang taon.
Base kasi sa datos ng Bureau of Treasury na ang actual government revenue collections ay tumaas ng 26.7 percent o katumbas ng P440.7 bilyon noong Abril mula sa P347.9 bilyon noong nakaraang taon.