Inatasan na ngayon ng Department of Budget and Management (DBM) ang mga government departments at agencies na simulan na ang kanilang budgeting process para sa taong 2022 para maisumite ito on-time sa huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Hulyo 26.
Nakapaloob ang national budget call para sa taong 2022 sa National Budget Memorandum No. 138 ni Budget Secretary Wendel Avisado.
Batay sa timetable ng DBM, dapat maimprenta na sa Hulyo 7-20 ang 2022 budget documents bago ang submission nito kay Pangulong Duterte Hulyo.
Nasa P5.024 trillion ang budget proposal para sa taong 2022.
Sa 2022 budget call, pinaalalahanan ni Sec. Avisado ang mga national agencies na magkakaroon ng mas mataas na internal revenue allotment (IRA) sa 2022 alinsunod sa Supreme Court (SC) ruling sa tinaguriang Mandanas-Garcia petition.