-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa sa posibleng mga pag-ulan sa pagpasok ng susunod na linggo sa Visayas at Mindanao dahil sa buena-manong namumuong sama ng panahon para sa taong 2020.

Huling namataan ang low pressure area (LPA) sa layong 1,595 km sa silangan ng Mindanao.

Inaasahang papasok ito sa Philippine area of responsibility (LPA) bukas o kaya ay sa Linggo.

Kung ganap na magiging bagyo, bibigyan ito ng local name na “Ambo.”

Pero sa ngayon, maliit pa ang tyansa nitong lumakas.

Hanging amihan naman ang nagdadala ng ulan sa Northern at Central Luzon, habang easterlies naman sa Visayas at Mindanao regions.