-- Advertisements --

Nakalabas na sa pagamutan si Buffalo Bills player Damar Hamlin.

Kasunod ito ng ma-cardiac arrest sa kasagsagan ng laro nila ng Cincinnati Bengals nitong Enero 2.

Ayon kay Dr. William A. Knight ng UC Medical Center sa Cincinnati na patuloy na ang kaniyang paggaling.

Hindi nagbigay ng payo ang doctor kung maaari na itong makapaglaro ng football.

Nakakatayo na rin aniya ito at nakakalakad ng bahagya subalit kailangan pa ng ilang araw na therapy.

May mga ilang pagsusuri pa itong dadaanan para matiyak ang kaniyang tuluyang paggaling.