Inihayag ni Department of Agriculture Secretary Francisco Laurel Jr. na ‘approved in principle’ na ang panukalang buffer fund na magagamit para sa pagbili ng bigas at iba pang agricultural products para sa stockpiling na maaaring ibenta sa mas murang presyo sakaling magkaroon ng kakapusan sa suplay o para makontra ang manipulasyon sa presyuhan.
Sa kasalukuyan, ayon sa kalihim, tinitignan na kung saan maaaring kunin ang gagamiting pondo subalit tiyak aniya na sa susunod na taon ay makakakuha na ng P5 billion na buffer fund.
Matatandan na noong Abril, hiniling ng DA kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bigyan ang ahensiya ng buffer fund na pambili ng bigas at iba pang agri products na ibebenta kalaunan sa mas murang halaga alinsunod sa Section 9 ng Price Act.