-- Advertisements --
Tiniyak ni National Food Authority Administrator Larry Lacson ang matatag na buffer stock ng bigas sa bansa.
Sa isang panayam ngayong araw, sinabi ng opisyal na mayroong limang araw na nationwide buffer stock ang bansa.
Ito ay katumbas ng mahigit 3.1 million na sako ng bigas.
Dagdag pa ni Lacson, dati nang nakapag-imbak ang bansa ng hanggang 157,000 metriko tonelada ng palay at inaasahang lalo pang madadagdagan kasabay ng pagpasok ng anihan.
Una na ring sinabi ng Department of Agriculture(DA) na magpapatuloy ang mataas na buying price ng NFA na ginagamit sa procurement o pagbili ng palay mula sa mga lokal na magsasaka ng bansa.