-- Advertisements --
vivic villavicencio

Binigyan nang pagkilala ng Senado ang entrepreneurship achievements ng binansagang “Buffet King” na si Victor Vincent “Vicvic” Villavicencio.

Batay sa inaprubahang Resolution No. 1045 na isinulong nina Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri at Sen. Richard Gordon, binigyang pugay ang mga ambag ni Villavicencio sa kultura ng bansa at hospitality industry.

Nabatid na unang ipinakilala ni Vicvic ang mga kainan na nagpapakita ng tipikal na uri ng selebrasyon ng piyesta sa mga kanayunan noong 1977.

Maliban kasi sa mga uri ng pagkain na tatak Filipino, abot kaya rin ang halaga nito, maliban pa sa estilo na pwedeng kumain ng naka-kamay.

Si Villavicencio ay pumanaw noong Abril 29 sa edad na 67, dahil sa atake sa puso.