-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Iginiit ni Bombo International Correspondent Joy Kirland sa Louisiana, USA na bahagyang naranasan ng mga tao sa kanilang lugar ang epekto ng nangyaring buhawi.
Sa kanyang pahayag na ang kalapit na estado ng Louisiana ay ang lugar na apektado ng bagyo na tinamaan ng buhawi.
Todo rin ang kanyang pasalamat dahil ligtas ang kanilang lugar.
Sa pagkakaalam niya, walang Pinoy ang naapektuhan ng insidente.
Napag-alaman na mahigit 30 katao ang namatay nang magdulot ng buhawi ang malakas na bagyo na tumama sa Arkansaw at ilan pang mga estado sa South at Midwest sa Amerika.
kung saan maraming estado ang naapektuhan at libu-libong bahay at establisyemento ang nawalan ng kuryente.