-- Advertisements --
KANSAS 2

Nanalasa sa Kansas City, Missouri ang buhawi kasunod nang inilabas na “tornado emergency” warning ng National Weather Service kung saan 11 katao na ang naitalang sugatan.

Una nang naglabas ng babala sa mga residente ang nasabing ahensya sa oras na mamataan nitong unti-unti nang nabubuo ang buhawi sa bandang kanluran ng syudad.

Kinansela naman kaagad ng mga meteorologists ang babala na ito ngunit hinikayat pa rin nila ang mamamayan na sa posibleng pagbagsak ng malalaking tipak ng yelo, malakas na ulan at posibleng pagbaha dahil sa parating na bagyo.

Bilang pag-iingat ng Kansas City International Airport ay inilipat nito ang kanilang mga pasahero sa parking garage tunnels ng nasabing paliparan.

Napilitan na rin ang air traffic controllers ng paliparan na ipagpaliban muna ang mga flight schedules hanggang mamayang gabi.

Ayon kay Linwood Mayor Brian Christenson, halos wala na umanong natirang kabahayan sa labas ng Linwood City dahil sa pagtama ng nasabing buhawi.

Libo-libong kabahayan naman ang nawalan ng kuryente.

Hindi na rin madaanan ang ibang kalsada sa Kansas dahil sa mga nakaharang na natumbang puno.