-- Advertisements --

COTABATO CITY – Hinagupit ng malakas na buhawi ngayong hapon ang St. Jude College Of Science and Technology Inc. sa bayan ng Midsayap north Cotabato. na nagresulta sa pagkapinsala ng struktura sa nasabing paaralan.

Bandang ala 3:30 kanina nang tumama ang ipo-ipo kung saan nasira ang atip ng paaralan.

“Yan kasi ang pinakamataas na building jan sa Midsayap, siguro yang paaralan siguro na yan ang tinamaan talaga ng buhawi, parang malaki-laking damage talaga yan sa sa part ng school.” – Ani Erick Soriano

Samantala, nasira rin ang mga structures ng UK Peak sa Alamada North Cotabato, dahil parin sa malakas na buhawi na tumama sa lugar.

Matapos naman ang malakas na buhawi ay sinundan ito ng malakas na pag-ulan sa North Cotabato at BARMM REGION.

Wala namang naitalang sugatan sa nasabing insidente at sa ngayon ay patuloy ang ginagagawang assessment sa lugar.