-- Advertisements --

VIGAN CITY – Naniniwala si Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na kakayanin ng puwersa ni Presidente Rodrigo Duterte ang dagliang pag-aksyon sa mga kakailanganin ng bansa kontra sa COVID 19 kasabay ng pag-aapruba ng kongreso sa “Bayanihan Act” na naglalayong mabigyan ng emergency power ang presidente.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Atienza, narapat lamang umano na mabigyan ng emergency power ang presidente para matulongan ang mga mamamayang apektado ng enhanced community quarantine dahil ipinaliwanag nito na ang nasabing panukala ay pagkakataong maipasakamay ang pondo sa presidente upang masolusyonan ang mga pangangailangan ng bansa.

Iginiit ng kongresista na hindi lamang ang naturang sakit ang mahigpit na kinakaharap ngayon ng bawat mamamayan kundi pati na rin ang gutom, kawalan ng trabahong, at kulang na suplay ng mga gamot na dulot nito kaya kailangan na ang mabilisang pag-aksyon ng gobyerno.