-- Advertisements --

Nakatakda raw isailalim sa DNA test ang “lock of hair” na pinaniniwalaang kay Renaissance master Leonardo da Vinci.

Kasabay na rin ito ng ika-500 na anibersaryo ng kamatayan ng Italian artist.

Pangungunahan ng dalawang leading art historians ang research ang naturang buhok na narekober mula sa isang private collection sa US.

Layon ng mga researchers na gamitin ang DNA para malaman kung ang mga butong hininalang kay Da Vinci rin ang nadiskubre sa sinasabing libingan nito sa France.

“We have recovered a lock of hair historically called ‘Les Cheveux de Leonardo da Vinci,’ along with another relic. This extraordinary find will allow us to proceed in the quest to isolate Da Vinci’s DNA,” ani Alessandro Vessozi, ang director ng “Museo Ideale Leonardo da Vinci” at Agnese Sabato ang presidente ng Leonardo da Vinci Heritage Foundatio.

“This historic relic — a lock of hair — has long remained hidden in an American collection. It will now be exposed for the first time, along with documents attesting its ancient French provenance,” dagdag ni Vessozi.