-- Advertisements --

Walang na-monitor na mga aberya ang Bureau of Immigration (BI) sa buhos ng mga tao ngayongt long weekend.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval sa panayam ng Bombo Radyo, noong Huwebes pa nakitaan ng pagtaas ng volume ng mga pasahero, habang may patuloy na mga naitatalang buhos ng mga mananakay ngayong weekend.

Giit ni Sandoval, napaghandaan naman ito ng BI at sapat din ang kanilang mga tauhan kaya natutugunan ang dami ng mga nagpoproseso ng kanilang travel clearance.

Kung sakali namang magbabalikan ang mga pasahero sa Lunes o Martes, may mga team pa rin umano silang nakahandang umalalay sa regular personnel sa Immigration counters ng mga paliparan.