CENTRAL MINDANAO-Bumuhos man ang malakas na ulan ay hindi nito napigilan ang street dancing competition ng Halad Festival sa bayan ng Midsayap Cotabato.
Ang street dancing o (Indakan sa kadalanan) ay isa sa mga highlight ng kapistahan ng patron Sto.Niño ng bayan ng Midsayap.
Itoy pasasalamat sa biyayang natanggap ng bayan ng Midsayap na kahit sa hamon ng pandemya ay tuloy-tuloy ang pagbangon at totoong pagbabago.
Mahigit tatlompung kalahok ang sumali sa indakan sa kadalanan o street dancing competition.
Unang sinabi ni Mayor Rolly “Ur the Man”Sacdalan na “ang ating Pananampalataya ay mas malakas kaysa ulan kaya dahan-dahan tumila ang ulan at matagumpay na nagtapos ang halad festival.
Dagdag pahayag ng alkalde”Sa mga naniwala at nagtiwala, maraming salamat!
“Sa mga magulang ng mga batang lumahok, malaki ang utang na loob ko sa inyo. Hindi biro ang ginawa ng inyong mga anak. Taas ang dalan plus naulanan. Pero wala sila nag-give up. They continued to fight, they wore their smiles, and believed in their strength and determination. I hope they will never forget this rich experience.
I am proud of all the participants. You have shown not only your talents but you manifesed your faith– true faithful to Sto. Niño, true Midsayapenyo. Wala sa edad ang panata. Umulan o umaraw, ang ating tiwala naging mas malinaw. God will never be disappointed of our thanksgiving.
Hindi man natin naidaos na perfect, maraming naman tayong natutunan. Walang pinipiling oras ang pagpapasalamat. Sa panahong malaki ang hamon, dapat mas matibay ang ating debosyon.
Binati naman ni Cotabato Governor Emmylou Lala Taliño-Mendoza si Mayor Sacdalan,LGU at mamamayan ng bayan ng Midsayap sa matagumpay na Halad Festival.
Kahit umulan ay nakisaya at naki-selfie ang gobernadora sa mga lumahok ng Halad Festival Viva Pit Sr Sto Nino.
hindi alintana ni Governor Mendoza kasama ang ilang opisyal ng lalawigan ang ulan maipakita lamang sa batang Hesus ang pagpapasalamat nito sa biyayang natanggap ng bayan at ng buong lalawigan sa nakalipas na mga taon.
Nakiisa din sa aktibidad upang magpakita ng suporta sina 1st District Board Members Sittie Eljorie Antao-Balisi, Rolando Jungco, SB-Midsayap sa pangunguna ni V-Mayor Dr Toto Deomampo,Religious Organization at iba pa.
Mapayapa,makabuluhan ang selebrasyon ng Halad Festival lalo sa mga nanalong mga kalahok na umuwing may ngiti,ang iba ay hindi pinalad sobrang saya naman nila dahil nagtagumpay ang kanilang panata kay Patron Sto Nino.