-- Advertisements --

Kinumpirma ng Department of Agriculture (DA) na mayroon talagang naibebentang mga bukbok na mga bigas sa isang stall ng kanilang ‘Rice-for-All’ program sa Quezon City.

Giit ni Agriculture Secretary Francsico Tiu Laurel Jr., hindi ito bigas na siyang nagmula sa National Food Authority (NFA). Maliban sa kumpirmadong may naibebentang ganitong klase sa Kadiwa stall sa naturang lugar, pinapaimbestigahan na rin ng kalihim ang insidente.

Tinawag naman ni Laurel na isa lamang ‘isolated case’ ang insidenteng ito at ayon aniya sa nakalap niyang impormasyon, sa katunayan ay may namataan umanong kaunting bukbok sa mga bigas pagbukas ng sako nito.

Ang hindi lamang din aniya maintindihan ng kalihim ay bakit itinuloy pa ang benta nito kung sa katunayan ay pinatigil na ang bentahan ng mga ganitong klase ng bigas sa merkado.

Ang isolated incident din aniya ay maituturing na lesson naman para sa Food Terminal Incorporated (FTI) at sa mismong ahensya na magkaoron ng mas maayos na pagsususri sa quality control ng mga bigas bago ito irelease at ibenta sa publiko.

Pagtitiyak ni Laurel, kakausapin at personal niyang pangungunahan ang imbestigasyon upang matiyak kung saan ang pinanggalingan ng bigas at nang maipatigi na ang nagiging bentahan nito sa publiko.

Sa ngayon inasahan na sa susunod na linggo ay maaari nang mabili ang mga NFA rice sa publiko partikular na sa mga Kadiwa stalls para sa nagpapatuloy na ‘Rice-for-all’ program ng ahensya.