-- Advertisements --

Kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang rekomendasyon na isailalim ang Bulacan, Apayao at Capiz sa General Community Quarantine (GCQ) simula bukas October 18 hanggang October 31, 2021.

Una ng isinailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang Bulacan at Apayao habang ang Capiz ay nasa GCQ with heightened restrictions.

Inaprubahan din ng IATF na i-downgrade ang alert level system sa National Capital Region (NCR) mula sa Alert Level 4 system, epektibo kahapon October 16, 2021 nasa Alert Level 3 System ang Metro Manila na ibig sabihin mas maluwag ang quarantine protocols.

Sa kabilang dako, ang Metro Manila mayors naman ay nakatakdang maglabas ng guidelines para doon sa mga bata na papayagan ng lumabas sa kanilang mga bahay.

Batay kasi sa IATF resolution pinapayagan na ang mga bata 17-years old below na lumabas ng bahay lalo na kung sila ay bibili ng pagkain, gamot at pupunta sa kanilang dentist.

Gayunpaman sinabi ni San Juan Mayor Francis Zamora, bawal pa rin ang mga bata sa mga mall.