-- Advertisements --

Inilagay na rin sa Alert Level 3 ang mga probinsiya ng Bulacan, Cavite at Rizal mula Enero 5 hanggang Enero 15 dahil sa patuloy na pagtaas na kaso ng COVID-19.

Ang nasabing paglalagay sa Alert Level 3 ng mga nabanggit ng probinsiya ay resulta ng ginawang pagpupulong ng Inter-Agency Task Force (IATF).

Sa ilalim ng Alert Level 3, ang mga establisyemento ay papayagang mag-operate ng 30 percent indoor capacity sa mga fully vaccinated individuals at 50 percent sa mga outdoor venue capacity basta ang mga empleyado ay fully vaccinated na.

Pinagbabawalan naman ang face-to-face classes, contact sports, peryahan at casinos.

Ang mga trabaho naman sa gobyerno ay limitado lamang sa 60 percent sa kanilang onsite capacity.

Magugunitang nauna na ring isinailalim ng MalacaƱang sa Alert Level 3 ang National Capital Region simula nitong Lunes, Enero 3 hanggang Enero 15.