Nagpasaklolo na sa United Nations ang isang London-based human rights group matapos mabatid na tuloy-tuloy pa rin ang mga kaso ng umano’y extrajudicial killings sa Pilipinas kaugnay ng war on drugs campaign ng administrasyon.
Batay sa ulat ng Amnesty International, lalawigan ng Bulacan ang maituturing na pinaka-madugong lugar sa bansa dahil sa malaking kaso ng umano’y EJK sa probinsya.
Bukod dito, maraming police officials din daw ang nalipat ng tungkulin sa lugar sa kabila ng pagkakasangkot ng mga ito sa mga mapangabusong operasyon noon.
Pinansin din ng grupo ang tila pattern ng police reports kung saan inakusahan ang mga nasawing drug suspects na nanlaban sa otoridad.
“It’s so consistent, it’s a script,” ani Dr. Dr. Racquel Fortun, forensic pathologist.
“This report provides further indication that these extrajudicial executions, murders, unlawful killings, assaults and unlawful detentions have been committed in the furtherance of a governmental policy to direct an attack against, at least, a part of the civilian population. These acts should therefore be investigated as possible crimes against humanity,” ayon sa report.
Sa huling datos na inilabas ng Philippine National Police lumabas na nasa higit 6,000 drug suspects na ang napatay mula sa mga operasyon simula 2016.
Higit 200,000 naman ang naaresto, habang higit 1-milyon ang boluntaryong sumuko.
Noong Marso nang mag-desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas bilang miyembro ng International Criminal Court kasunod ng mga bantang imbestigasyon ng UN sa sinasabing EJK cases sa Pilipinas.