Hindi ititigil ng Bulacan Police Provincial Office ang kanilang pagiging masigasig sa anti-illegal drug campaign ng gobyerno.
Sa katunayan ang Bulacan PPO ang nangunguna sa buong region 3 sa kampanya kontra droga.
Ayon kay Bulacan PPO director, SSupt. Romeo Caramat na ginagawa lamang nila ang dapat lalo na sa pagsugpo sa iligal na droga.
Dagdag pa ni Caramat na mandato nila para i eliminate ang iligal na droga sa kanilang nasasakupan.
Hindi naman magarantiya ni Caramat na wala ng mangyayari pang bloody encounter sa mga susunod na araw.
Giit ng opisyal na ipagpapatuloy pa rin nila ang paglulunsad ng one time big time operations.
Aniya ang operasyon nuong Lunes kung saan 32 ang patay ang siyang pinakamaraming fatalities kung inaasahan na rin nila na maraming magdududa.
Ang Bulacan PPO ay nakapagtala ng 425 patay sa kanilang anti-illegal drug campaign simula nuong July 1, 2016 hanggang July 2017.
Pagtiyak ni Caramat na legitimate ang kanilang operasyon kung kayat hindi sila nababahala.
“We have mandate to eliminate illegal drugs in our AOR and Bulacan PPO will not stop in their mandate to stop illegal drugs, so I cannot say as of this time but for sure continous yung operations namin sa Bulacan PPO,” pahayag ni Caramat.