Sinimulan na rin ang pagpapalikas sa mga residente sa probinsiya ng Bulacan sa mabababang lugar at coastal areas ngayong Sabado bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Super Typhoon Pepito.
Ito ay matapos ipag-utos ni Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) chairman at Governor Daniel Fernando sa isinagawang emergency meeting bago ang inaasahang pagtama ng bagyo sa Central Luzon bukas ang pre-emptive evacuation sa mga residente sa mga coastal area sa bayan ng Obando at sa landslide prone area sa Norzagaray, Doña Remedios Trinidad (DRT), Angat, San Miguel at iba pang mabundok at mataas na mga bayan.
Inatasan na rin ng Gobernador ang lahat ng disaster response offices sa coastal towns ng Calumpit, Hagonoy, Bulakan, Paombong at siyudad ng Malolos para magpatupad ng pre-emptive evacuation ng kani-kanilang residente na naninirahan malapit sa ilog at island barangays.
Samantala, nag-preposition naman na ang nalalabing mga bayan at siyudad sa Bulacan ng rescue personnel at kanilang equipment kabilang ang relief packs.
Ipinag-utos din ng Gobernador ang ganap na pagpapatigil muna ng fishing activities sa coastal areas.