-- Advertisements --
DAVAO CITY – Kasong Parricide ang isasampa laban sa isang 19 anyos na lalaki matapos na pinatay nito ang kanyang bulag na ama.
Nangyari ang insidente sa Prk 6, Sitio Datalpitak, Brgy. Colonsabac, Matanao, Davao del Sur.
Sa imbestigasyon ng kapulisan, pinayuhan lamang ng biktima na nakilalang si Dalyanan Lingi, 37-anyos , isang bulag ang kanyang anak na si Clifford Lingi dahil sa sobrang kalasingan nito ngunit nagalit ang suspek at sinaksak nito ang biktima ng kanyang dalang kutsilyo na siyang dahilan ng kamatayan nito.
Labis na pagsisisi ang naramdaman ng suspek ngunit huli na ang lahat at kailangan umanong harapin nito ang isasampang kaso.
Nasa Kustodiya ngayon ng Matanao Municipal Police station ang suspetsado.