-- Advertisements --
BM2019
Bombo Medico 2019

BUTUAN CITY – Hindi naging hadlang sa isang bulag na lola ang kaniyang kapansanan upang makinabang sa Bombo Medico 2019 sa lungsod ng Butuan.

Napag-alamang galing pa sa bukiring bahagi si Ma. Lucia Benguet, 67-anyos na taga Barangay Mat-i, Las Nieves, Agusan Del Norte na isang PWD na nagpasama lang sa kaniyang 2 apo na may edad 4 at 5-anyos.

Ayon kay Lola Benguet, hindi siya nagdalawang-isip na pupunta sa provincial Capitol covered court kung saan isinagawa ang Bombo Medico 2019 upang makinabang sa mga libreng serbisyo.

Maliban sa kunsultasyon at mga gamot, nakatanggap din ito ng sangkay o crutches.

Sa kabilang dako, parehong nagpasalamat naman ang benipisyaryo ng Bombo Medico 2019 matapos mabigyan ng bagong tungkod.

Ayon kay Anita Trillo at Sekla Forilan na parehong taga Barangay Ambago nitong lungsod, matagal ng panahon na payong lamang ang kanilang ginagamit bilang tungkod sa kanilang paglalakad, kung kaya’t lubos ang kanilang kasiyahan ng matanggap ang bagong mga tungkod.