-- Advertisements --

DAVAO CITY – Umani ng papuri ang isang lalaki na siyang pinaka-unang bulag na nakaakyat sa pinakataas na bundok sa Pilipinas na Mt. Apo. Nitong nakalipas na Oktubre 1 ay matagumpay na naakyat ng isang bulag ang tuktok ng Mt. Apo sa tulong ng mountain guide na si Angle Pandoy.

Sa post ni Angel Pandoy, makikita ang 39 years old na si Bennie Cambang ng Sitio Tumpis, Barangay Sibulan, Davao del Sur na masayang nakatayo sa kilid ng marking sa summit ng Mt. Apo. Ayon pa kay Angel, nakapaa lang si Bennie habang tinatahak ang masukal at matarik na boulder ng bundok at tanging tangkay at lubid na nakatali sa kanila ni Bennie ang naging mata nito sa pag akyat.

Proud naman ang babaeng guide na sa loob ng 6 na taong pagiging mountain guide nito ay matagumpay niyang naalalayan si Bennie sa pag akyat sa Mt. Apo. Maliban pa, na marami ding na inspire sa determinasyon nitong nagpapatunay na walang kahit na anomang makakahadlang sa hangarin ng isang taong may determinasyon.