-- Advertisements --
Nagdeklara ng state of emergency ang Bulgaria dahil sa pagtaas ng bilang ng mga kaso ng coronavirus o COVID-19.
Ang nasabing deklarasyon ay napagpasyahan ng mga mambabatas kung saan magtatapos ito ng hanggang Abril 13.
Umaabot na kasi sa 23 ang nagpostibo sa nasabing virus ang naitala sa Bulgaria.
Sa batas sa nasabing bansa na kapag sila ay nasa state of emergency ay magpapatupad sila ng mga travel ban sa mga bansa na apektado ng virus.
Ipapasara ang mga paaralan at unibersidad ganun din na papayagan ang mga kapulisan na mamagitan sa mga pag-isolate sa mga taong nagpositibo sa virus.